Ellen, sinibak dahil sa attitude problem!

Ellen, sinibak dahil sa attitude problem!

August 2, 2021 @ 5:17 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Tinanggal na si Ellen Adarna sa sitcom sa TV5, ang John en Ellen kasama si John Estrada.

Ang umano’y attitude problem nito ang itinuturong dahilan ng pagkakatanggal sa kanya, citing one particular instance kung saan sinundo siya one time ng nobyong si Derek Ramsay sa set.

Ayaw raw papigil ni Ellen na umalis kahit abut-abot ang pakiusap ng production na tapusin ang taping at saka sumibat.

Pinakiusapan din daw ng staff si Derek para kumbinsihin ang nobya, pero nanaig pa rn daw ang gusto ni Ellen to think na bayad ang taping day niya.

Ang ending: na-pack up ang taping!

Naghihimutok ang staff dahil apektado ang ikinabubuhay nila kumpara kay Ellen na balewala lang mawalan ng trabaho.

Aware daw si Ellen sa desisyon ng producer na tanggalin siya.

Sa ngayon, tigil-taping muna ang sitcom habang iniisip ang magiging takbo ng kuwento sa pagkawala niya.

Natural ding hindi na mare-retain ang “Ellen” sa pamagat dahil para ano pa? Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •