Elon Musk lampa – Chechen leader

Elon Musk lampa – Chechen leader

March 18, 2022 @ 10:40 AM 3 months ago


MOSCOW – Makaraang magpalit ng ngalang Elona si Elon Mask, agad itong tinawag na lampa ng lider ng Chechen Republic sa Russia.

Pinalitan ni Musk ang kanyang ngalan mula sa lalaking Elon sa babaeng Elona makaraang maliitin ito ni Chechen leader Ramzan Kadirov kaugnay ng panghahamon sa “single combat” ng una kay Russia Presideng Vladimir Putin at ang bansang Ukraine ang pusta.

Sinabi ni Kadirov na matatalo lang si “Tender (lampa) Elona” sa laban nito kay Putin lalo’ hindi sila magkapanntay.

Diin ni Kadirov sa Twitter, kaaway ng United States at Kanluran, pandaigdigang politiko at strategist si Putin samantalang isa lamang na negosyante at Twitter blogger si Musk.

Inalok pa ni Kadirov si Musk na pumunta ito sa Chechnya upang magsanay at uuwing isang mabangis na Elon mula sa Elona.

Magsasanay muna umano Musk sa Russian Special Forces University para sa paghawak at paggamit ng baril at sa Akhmat Fight Club para sa maging kasing tigas ng bakal makaraang magsanay nang pisikal at mental.

Sa kanyang sagot na roon nakasaad ang Elona niyang ngalan, nagpasalamat si Musk kay Kadirov ngunit sinabi nitong magkakaroon siya ng labis na bentahe laban kay Putin kung susunod siya sa payo ni Kadirov.

At gagamitin lang umano nito ang kanyang kaliwa kahit hindi siya kaliwete sa laban nito ka Putin.

Kilala si Kadirov na hindi hinahayaang magkaroon ng puwang ang mga Lesbian, Gay, Bisexual, Transgende at Quuer sa Chechnya. RNT