Elsa Droga, ayaw ng total makeover

Elsa Droga, ayaw ng total makeover

July 31, 2018 @ 7:55 PM 5 years ago


Dalawang linggo na sinubaybayan ng Rated K ang make-over ni Elsa Droga pero nung inilatand na ni Korina Sanchez ang “bagong mukha” ni Elsa, parang wala namang nagbago.

Hindi kagaya noong  make-over ni Marlo Arizala na ngayon ay mas kilala na bilang Zander Ford.

Talagang sobrang gwapo na ito nang muling magpakita sa publiko.

Ni hindi pinagalaw ni Elsa ang kanyang ilong. Bale ang ginawa lang niya ay nagpa-teeth whitening lang, nagpakapal ng eyelash, nagpa-bleaching pero hindi naman basta-basta puputi ka sa bleaching, kailangang regular kang magpapa-bleach for best result.

Pero kay katwiran si Elsa, dahil kapag pinaayos na talaga niya ang kanyang mukha ay hindi na siya yun at baka mawalan pa siya  ng raket. – TIMMYDORA DTIMMY BASIL