Ely, hindi sisiputin ang reunion concert?

Ely, hindi sisiputin ang reunion concert?

September 25, 2022 @ 8:00 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Simula nang ianunsyo ang reunion concert ng classic band na Eraserheads, hindi na nawala sa trends list ang pangalan ng gitaristang si Marcus Adoro dahil sa pang-aabuso umano nito sa anak at dating asawa.

Netizens are actually asking the band na huwag hayaang mag-perform si Marcus dahil parang pangungunsinte ito ng banda sa maling ginawa ng gitarista.

Pero bago pa man madamay si Ely, nagbigay pahayag na ang manager nito at sinabing may kondisyon ang Eheads frontliner na ayusin ni Marcus ang isyung ito kung hindi ay hindi siya magta-trabaho kasama ito.

“One of Ely’s non-negotiable conditions prior to signing was precisely that Marcus resolve his issues otherwise Ely would not work with him,” exact words from Diane Ventura. (source: ANCX)

Halos buong sambayanan ay na-excite sa reunion concert na ito pero marami rin ang nainis dahil sa unresolved issues ni Marcus na nadadamay pa nga pati ang band members ng Eraserheads.

Kaya naman mas nilinaw pa ng manager ni Ely ang mga paratang sa kanya.

“To call Ely an enabler is categorically false and absurd. We do not condone abuse that is absolute. We acknowledge the pain and suffering of the parties involved and we seek accountability,

“However, we will do what we can to encourage peace, resolution and will never get in the way of possible reconciliation or second chances between families. We are hoping for good to come out of this,” said Ventura.

As of press writing, kasado pa rin ang concert this coming December 22. Paula Jonabelle Ignacio