Emergency cases dapat agad dalhin sa ospital; paghahanap ng kama inaabot nang siyam-siyam – OHCC

Emergency cases dapat agad dalhin sa ospital; paghahanap ng kama inaabot nang siyam-siyam – OHCC

September 18, 2021 @ 1:41 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Dumaing ang One Hospital Command dahil sa inaabot nang siyam-siyam ang paghahanap ng kama para sa mga emergency case.

“Ang target ay less than one hour madala na natin sa ospital ang mga emergency case. Ang actual, minsan, tumatagal tayo ng four hours o six hours bago madala sa ospital,” saad ni Dr. Bernadette Velasco, operations manager ng One Hospital Command Center (OHCC).

“Admittedly nahihirapan tayo mag-endorse ng cases dahil puno ang mga ospital.”

Aniya, hindi lamang kama ang kailangan ng pasyente kung hindi maging ang mga ambulansya.

“‘Yung mga stable at may time pa para maghanap ng available beds, ine-endorse natin sila sa mga LGU [local government unit] nila para ma-monitor ang kanilang lagay para kung sakaling maging malala ang sitwasyon ay madala sila agad sa ospital,” dagdag pa nito.

Sinabi ni Velasco na ang mga ospital sa National Capital Region ay nag-a-admit din ng mga pasyenteng galing sa Region 4A at 3.

“Dito dinadala ang mga pasyente dahil ang kanilang mga region, medyo congested na rin po.” RNT/FGDC


  •  
  •  
  •