Emergency loan sa Abra quake victims bukas na ngayong Biyernes-GSIS

Emergency loan sa Abra quake victims bukas na ngayong Biyernes-GSIS

August 5, 2022 @ 11:03 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Bubuksan ngayong araw ng Biyernes, Agosto 5 ng state workers pension fund Government Service Insurance System (GSIS) ang kanilang emergency loan program sa Abra.

Tinatayang 7,000 miyembro at pensioners sa lalawigan ng Abra ang makikinabang sa emergency loan program ng GSIS.

Ang lalawigan ng Abra —epicenter ng magnitude 7 earthquake na umuga sa northern Luzon noong nakaraang linggo.

“We are encouraging our members and pensioners who have been affected by the earthquake to avail of the GSIS emergency loan,” ayon kay GSIS president and general manager Wick Veloso.

Isang araw matapos ang malakas na lindol, inanunsyo ng pension fund na handa na itong buksan ang emergency loan facility na i-extend ang financial assistance sa mga miyembro at pensioners sa northern Luzon.

Gayunman, sa ilalim ng guidelines, hinihintay pa ng GSIS ang deklarasyon ng mga apektadong lokalidad bilang calamity areas bago pa nito buksan ang loan program.

“The other provinces in North Luzon have yet to be declared as calamity areas but GSIS is ready to open the emergency loan program once the declaration has been done,” ayon kay Veloso.

Ang mga apektadong aktibong GSIS members na nagta-trabaho o naninirahan at maging “old-age and disability pensioners na nakatira sa lugar ay maaaring mag-apply para sa loan hanggang Setyembre 4.

Ang mga miyembro at pensioners na may existing emergency loan at nais na mag- apply para sa loan ay maaaring muling makahiram ng hanggang P40,000.

Ang natitirang balanse ay ibabawas mula sa kanilang loan proceeds.

Habang iyong mga emergency loan,ay maaaring mag- apply ng P20,000 loan. Ang mga pensioners ay maaaring humiram ng P20,000.

“The proceeds will be directly credited to the borrower’s UMID card or temporary eCard Plus account,” ayon sa GSIS sabay sabing ” the pension fund already deployed six portable GSIS Wireless Automated Processing System (GWAPS) kiosks to far-flung areas in the province to enable prospective loan applicants to save time and money in applying for the loan.”

Samantala, sinabi ni Veloso na ang GSIS ang magbabayad para sa rehabilitasyon ng mga government buildings na winasak ng lindol lalo pa’t insured ito ng pension fund. Kris Jose