Emergency treatment facility ng NCRPO pinasinayaan

Emergency treatment facility ng NCRPO pinasinayaan

September 18, 2020 @ 5:34 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Dahil matindi ang malasakit ni National Capital Region Police Office director P/MGen Debold Sinas sa kanyang mga tauhan, pinangunahan nito ang pagpapasinaya at pagbabasbas sa Emergency Treatment Facility sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City bilang tugon sa  pananalasa ng  COVID-19 sa bansa.

Sinabi ni Sinas, hindi huminto ang pamunuan ng NCRPO sa pagtupad sa pangako nito na uunahin ang kalusugan at kapakanan ng mga tauhang may malaking ginagampanan sa laban sa mapaminsalang virus.

Nabatid na isa sa pinakahuling proyekto ng pamunuan ni Sinas ay ang mismong pagtatayo ng  Emergency Treatment Facility kung saan ilalagay at gagamutin ang mga nagpositibo sa COVID-19  na nakaranas ng  bahagya hanggang matinding mga sintomas.

Ayon sa  NCRPO director, ang pagtatayo ng  Emergency Treatment Facility as  upang kaagad matugunan ang mabilisang pangangailangan ng mga pulis na sumasailalim sa ’emergency cases’ na kailangan ang mabilisang tugon bago pa man isugod sa mga pagamutan na kasalukuyang puno at walang  kuwartong posibleng magamit.

 

Iginiit ni Sinas, na ang itinayong treatment facility ay may mga oxygen tank na may regulator na magagamit na ng mga pulis na kinapitan ng virus o nagpositibo sa COVID-19 lalo na kung ang mga ito ay dumanas nang pangangapos ng hininga.

Sabi pa ng hepe ng NCRPO na ang facility ay mayroong rehistradong doktor at nars, may 20 kamang kapasidad, 2 ECG, 1 Cardiac monitor na may defibrillator, 5 nebulizer,  6 automatic spray dispenser, 1 patient monitor, 10 bedside table, 10 air-condition (window type) at 10 hospital bed with IV stand.

“Over the six months of being in the frontline of this plight, NCRPO’s interventions to prevent and cure the virus has been magnificent and effective. Nonetheless, we will continue what we have started and the public can be assured that frontliners who serve them day to day, are healthy, safe and free from the virus,” dagdag ni Sinas. Lea Botones


  •  
  •  
  •  

Loading...