Emoji sa online mass kakalusin – CBCP

Emoji sa online mass kakalusin – CBCP

January 31, 2022 @ 9:36 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Inirerekomenda ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na i-disable ang mga emoji para maiwasan ang anomang distraction o pagkagambala sa livestreaming ng mga Misa.

“Christ’s faithful are to hold the blessed Eucharist in the highest honor,” sinabi ng CBCP sa kanilang mga inirekomendang alituntunin para sa livestreaming ng liturhiya.

“To this end, we are to avoid any possible distractions. Chat rooms and running commentaries (prayer intentions and the like), as well as emoji reactions should be disabled while Mass is going on,” dagdag pa ng grupo ng mga obispo.

Sa guidelines, sinabi ng CBCP na lahat ng online masses ay dapat na nakarehistro sa Diocese kung saan masusubaybayan nito ang online Masses.

“This way, the Diocesan Bishop can either encourage more online Masses, or limit them if they are already too many, or if they are not in keeping with the liturgical standards.”

Sinabi ng CBCP na ang Misa ay dapat ipagdiwang sa sagradong lugar at idinagdag na ang anumang iba pang lugar ay dapat ituring na katangi-tangi

Idinagdag nito na sa mga dioceses kung saan mayroon nang Mass Media Ministries, hinihikayat na maging sentralisado ang mga Misa sa pamamagitan ng kanilang Mass Media Ministry.

“As much as possible, only live-streamed Masses and not pre-recorded Masses should be transmitted and participated by those who wish to join it in prayer and in spiritual communion,” sinabi pa ng CBCP.

Ilan lamang Ito sa rekomendasyon ng CBCP sa guidelines na may petsang Enero 25.

Ang mga simbahan ay nagpapatuloy pa rin sa kanilang online na mga Misa para sa mga hindi pisikal na makapunta sa simbahan dahil sa pandemya dulot ng coronavirus disease. Jocelyn Tabangcura-Domenden