Empleyado ng LTO sinuwag ng van, sugatan

Empleyado ng LTO sinuwag ng van, sugatan

May 4, 2022 @ 10:08 AM 2 months ago


ILOCOS SUR- Nasa ospital ngayon at ginagamot ang isang empleyado ng LTO matapos na aksidenteng mabundol ng van sa Brgy. Bimmanga, Tagudin ng lalawigang ito kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Jhoe Jhon Gamayo Billones, 35, binata, residente ng San Simon Street, Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Kinilala naman ang driver ng Hyundai Grace van na si Manuel Asuncion Tabon, 63, may asawa, residente ng Brgy. Tangaoan, Sta. Maria, Ilocos Sur.

Papuntang hilagang direksyon ang van at magpa-park sana sa west shoulder lane ng national highway nang aksidente nitong mabangga ang naglalakad doon na si Billones.

Si Billones na nagtamo ng head injury ay agad na isinugod sa Ilocos Sur District Hospital sa naturang bayan. Rolando S. Gamoso