‘Empoy’ bulagta sa Bulacan buy-bust

‘Empoy’ bulagta sa Bulacan buy-bust

October 23, 2022 @ 4:32 PM 1 month ago


Bulacan – Patay ang isang alyas “Empoy” na nagbenta ng iligal na droga matapos umanong maghinala at manlaban sa buy-bust operation ng pulisya sa lungsod ng Meycauayan.

Kinilala ni OI C Bulacan Police director PCOL. Relly Arnedo ang napatay na si Rene Redobla, alyas “Empoy” ng Brgy. Perez Meycauayan.

Sa report ng pulisya, ikinasa ang operasyon laban sa target nitong Sabado, Oktubre 22 sa naturang lungsod.

Ayon sa report, naghinala ang target na police poseur buyer ang kanyang nakatransaksyon kaya mabilis na bumunot at namaril.

Sinasabing agad na gumanti ng mga putok ang pulis na tumama sa target dahilan para bumulagta at agarang ikinamatay nito.

Narekober sa lugar ang medium size plastic sachet na pinaghihinalaang shabu, improvised glass pipe, digital weighing scale, disposable lighters, wrist watch, shade, cellphone, marked money, sling bag, dalawang basyo ng .9mm, Smith & Wesson cal .38 revolver na kargado ng apat na bala at isang basyo. Dick Mirasol III