Enchong, idinaan sa sayaw ang sagot sa demanda!

Enchong, idinaan sa sayaw ang sagot sa demanda!

January 4, 2022 @ 12:05 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Parang hindi nakakaapekto kay actor-businessman Enchong Dee ang napipintong pagdidemanda sa kanya ng cyber libel na humihiling sa korte ng isang bilyong pisong damages.

The actor-businessman welcomed the New Year on his Instagram (@mr_enchongdee) on January 2 with hip-hop dance moves. Bigay na bigay ang pagsasayaw n’ya! Parang wala siyang alalahanin sa mundo!

Simpleng  “Hello 2022” ang caption ng video dance n’ya.

Actually, ‘di pa naia-announce ni congresswoman Claudine Bautista-Lim ng Drivers United for Mass Progress and Equal Rights (DUMPER) partylist kung naisampa na n’ya ang demanda laban kay Enchong.

Ang naibalita na kamakailan ay ang pasya ng mga prosecutor sa Davao Occidental na may sufficient ground ang congresswoman para idemanda si Enchong. Sa nasabing lalawigan isinampa ang kaso dahil tagaroon si Bautista Lim.

Bautista-Lim filed the case after Enchong tweeted allegedly malicious and defamatory social media posts about her wedding in July.

Nu’ng Aug. 14, 2021, ipinost ni Enchong sa kanyang Instagram na  “The money for commuters and drivers went to her wedding. Let’s not prolong this conversation and don’t say otherwise.”

Part of the prosecutors resolution read: “Calling someone a thief, without proof and with heavy malice, is where to draw the line, as this is already libelous.”

Actually, may iba pang taga-showbiz na isinama ang congresswoman dahil sa mga komento nila na parang kumakatig sa akusasyon ni Enchong. Ang mga ito ay sina Agot Isidro, Pokwang, at Ogie Diaz but they were cleared by the court. Bahagi lang daw ng “freedom of expression” ang pagpuna ng tatlo.

Pagkatapos mag-apologize ni Enchong kay Bautista-Lim nu’ng Agosto, nanahimik na ito tungkol sa nangyari. At nang mapabalitang nagsampa na ng kaso sa Davao ang congressman, ‘di pa rin nag-react ang aktor kahit sa Instagram man lang n’ya.

Hanggang ngayon ay ni hindi alam ng madla kung sino ang mga tumayong abugado ni Enchong nang dininig sa prosecutors’ office sa Davao kung pwede siyang kasuhan o walang sapat na basehan para kasuhan siya. Danny Vibas