Endangered na mga halaman nakulimbat sa Pasay warehouse

Endangered na mga halaman nakulimbat sa Pasay warehouse

July 8, 2021 @ 7:54 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Nakuha sa isang warehouse sa Pasay City ang 276 puslit na carnivorous plants na sinasabing “critically endangered” noong Linggo.

Iniulat na mula pa Netherlands ang mga carnivorous plants na naipasok sa bansa nitong Lunes, ayon sa pahayag ng Bureau of Customs (BOC) na nakahuli sa kontrabando kasama ang mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Sinabing nagkakahalaga ang mga halaman ng P150,000.

Narekober sa 10 package ang iba’t ibang uri ng mga halaman na walang kaukulang sanitary at phytosanitary import clearance at permit mula sa DENR.

Ilan lamang dito ang Drosera, Nepenthes, Dionaea, Sarracenia, Pinguicula, at Cephalotus.

Lahad ng DENR, ang naturang mga carnivorous plants ay idineklara nang mga critically endangered at kabilang sa mga rare at most endangered plants sa buong mundo.

Samantala, nakasaad naman sa Philippine Wildlife Resources Conservation and Protection Act o RA 9147 ang mahigpit na pagbabawal ng pangongolekta at pagbebenta ng mga insect-eating plants.

Kasalukuyang nasa pangangalaga na ng DENR ang nasabing mga carnivorous plants. RNT/FGDC