Endemic may panganib pa rin ng virus – eksperto

Endemic may panganib pa rin ng virus – eksperto

February 4, 2022 @ 4:37 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Nilinaw ni Infectious Disease expert Dr Edcel Salvana na hindi nangangahulugang hindi na maaaring maging peligroso sa buhay ng isang indibidwal kapag idineklarang endemic ang COVID-19.

Binigyang halimbawa ni Salvana ang sakit na tuberculosis na itinururing na endemic subalit kumikitil ng halosmilyong indibidwal sa buong mundo kada taon.

Paliwanag ni Salvana, ang ibig lang namang sabihin ng endemic ay alam na ng mga kinauukulan kung paano gagamutin ang sakit at paano ito maiiwasan subalit hindi ibig sabihin na dapat ng magpakakampante.

“Well, hindi naman kasi ibig sabihin na kung endemic ang isang bagay ay hindi nakamamatay, for instance ang tuberculosis endemic nga siya pero 1.5 million people iyong pinapatay every year. Ganoon din ang sa HIV although ang HIV [garbled] pa rin ng pandemic, halos isang million until recently pa rin iyong namamatay worldwide,” paliwanag nito.

“So important na intindihin natin the idea na endemic ang isang bagay doesn’t mean that it can’t cause any more harm. Ang ibig sabihin lang noon is mayroon na tayong bakuna, mayroon na tayong gamot at this is something that we can live with dahil na-transform na natin siya into something na hindi ganoon kadelikado kung—hindi na natin kailangang mag-lockdown.”

Kailangan pa rin aniyang maging maingat at mapagmatyag gayung hindi pa rin naman nawawala ang virus.

Ang kagandahan lang talaga sabi ni Salvana ay mayroon nang  bakuna at gamot bukod pa sa hindi na kailangan ang pagpapatupad ng lockdown ganoong maituturing na hindi na sobrang delikado ang  virus gaya ng dati dahil sa vaccine at mga nadidiskubreng medisina.

“So the bottomline is iyong shift there is iyong ating interventions na dati hindi natin alam kung anong gagawin para gumaling ang COVID, para ma-prevent – pero ngayon may bakuna na tayo, may gamot na tayo at ang pinapakita naman ng datos ay this is something that we can start to open up carefully but at the same time we don’t need to use those—iyong sobrang lockdowns anymore.”

“So iyon lang naman iyong ibig sabihin ng endemic, na nandiyan na siya, alam na natin kung paano siya iti-treat, alam na natin kung paano siya ipi-prevent pero hindi ibig sabihin na ligtas na talaga ‘to; kinakailangan pa rin nating maging vigilant,” dagdag na pahayag ni Salvana. Kris Jose