Endemic na mga halaman, hayop tampok sa ilulunsad na exhibition ng National Museum

Endemic na mga halaman, hayop tampok sa ilulunsad na exhibition ng National Museum

May 22, 2022 @ 5:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Ilulunsad ng National Museum of the Philippines ang temporary exhibition kung saan tampok ang artworks ng endemic at native species ng mga halaman at hayop.

Pinamagatang “Natural Heritage in Focus: The Philippine Flora and Fauna Art Exhibition,” bahagi ito ng pagdiriwang ng museum ng Biodiversity Day at National Heritage Month.

Bubuksan ito sa publiko sa National Museum of Natural History mula Mayo 24 hanggang Setyembre 25.

Ikinasa ang proyekto sa pakikipagtulungan sa Philippine Botanical Art Society (PhilBAS) at sa Philippine Fauna Art Society (PhilFAS).

Muling binuksan ang National Museum of the Philippines sa publiko noong Oktubre 2021. RNT/SA