Endemic state ng COVID sa Pinas, malabo pa – DOH

Endemic state ng COVID sa Pinas, malabo pa – DOH

September 19, 2022 @ 4:34 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Hindi pa umano naaabot ng bansa ang mga kwalipikasyon upang sabihing na nasa endemic state na lamang ang COVID-19 sa bansa.

Ito ang sinabi ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na ayon sa kanya, dapat ay nasa “acceptable” na bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 na lamang ang naitatala sa bansa at mataas na rin dapat ang vaccination coverage o imunity sa kabuoang populasyon.

Matatandaan na kamakailan ay sinabi ng World Health Organization na ang endemic stage ay nangangahulugang mayroon pa ring hawaan ng COVID-19 ngunit mas kontrolado na kumpara sa pandemic stage.

“We can only declare here in the country that we are already at that stage of endemicity when we fulfill all of these conditions,” ani Vergeire.

Sa kabila umano na nasa stable na ang mga nadaragdag na bagong kaso ng COVID-19, nananatili pa ring mababa ang booster vaccination coverage sa bansa.

“Mababa pa ang booster shots natin so kailangan pagtrabahuhan natin yung coverage ng bakuna—tumaas ang wall of immunity. And therefore, pag dumating na sa point na iyon baka sakali, kung all over the world also ayun na rin ang direksyon at nangyayari, baka we can also yung ating pagdedeclare din ng state of endemicity,” dagdag pa niya.

Hangga’t hindi pa umano naaabot ang mga kondisyong ito ay hindi pa maaaring ideklara na endemic na ang COVID-19 dito sa Pilipinas. RNT/JGC