Endorsement kay Romualdez sa House Speakership, nadagdagan pa

Endorsement kay Romualdez sa House Speakership, nadagdagan pa

May 14, 2022 @ 1:17 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Pinasalamatan ni Leyte Representative at House Majority Leader Ferdinand Martin Romuladez ang mga nag-endorso sa kaniya bilang speaker ng 19th Congress.

Una ng nagpasalamat si Romualdez kina dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at bagong halal na Ilocos Norte Rep.  na si Sandro Marcos, anak ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos.

Nagpaabot din ng pasasalamat si Romualdez sa mga partidong nag-endorso at nagpahayag ng suporta sa kaniya.

“I would like to express my most sincere gratitude to our esteemed Lakas-CMD President Emeritus, former President and returning Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo for her words of support and encouragement, which mean a lot to me,” ayon pa rin kay Romualdez, na siya ring presidente ng Lakas-CMD.

Ngayong umaga ay nagkaroon ng salo-salo ang mga partylist representatives sa pangunguna ng incoming PCFI president Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co kung saan nagkasundo ang mga ito na suportahan ang sprakership bid ni Romualdez.

Papaliran ni Co si Deputy Speaker at 1-Pacman party-list Rep. Mikee Romero na siyang outgoing PCFI President na nagbigay din ng kaniyang pag-endorso kay Romualdez bilang susunod na speaker.

Nagpaabot na rin ng pasasalamat si Romualdez sa mga bagong uupong kongresista na maagang nag-endorso sa kaniya gaya ng National Unity Party (NUP), PDP-Laban, Lakas-CMD, Nacionalista Party (NP), Nationalist People’s Coalition (NPC), Partido Federal ng Pilipinas (PFP), Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP), Hugpong ng Pagbabago (HNP) at ang PCFI.

Nangako naman si Romualdez na kung siya ang susunod na speaker ay itutulak niya ang agenda ng susunod na administrasyon gayundin ang pagiging lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Banggit pa ni Romualdez na mananatili siyang “consensus-builder” bilang laging Majority Leader, at itatrato ng patas at makikinig sa pananaw ng lahat.

Dagdag pa ni Romualdez,para kay GMA na ito ang nagsilbing “guiding lights” noong 17th Congress at aniya’y “we will continue to count on her for help and advice.” Meliza Maluntag