England nakalamang sa Tunisia 2-1… Belgium tinambakan ang Panama 3-0

England nakalamang sa Tunisia 2-1… Belgium tinambakan ang Panama 3-0

June 19, 2018 @ 8:19 AM 4 years ago


 

FIFA – Isang abante ang ibinida ng England sa kanilang panalo kontra Tunisia sa iskor na 2-1 sa Group G game ng FIFA World Cup na ginaganap sa Russia.

Bumida ang team captain ng England na si Harry Kane nang masiguro nito ang goal sa 11th minute ng first period at pangalawa ay noong ika-91st minute ng laro.

Nakakuha naman si Ferjani Sassi ng isang goal para maka-isang puntos ang Tunisia.

Naging maganda naman ang depensang ipinakita ng England kaya hindi na naulit pa ng Tunisia ang kanilang puntos.

Samantala, hindi na naka-iskor talaga ang Panama kontra sa Belgium na pumuntos ng 3-0 sa opening game nila sa group G sa nagpapatuloy na FIFA World Cup.

Nagtagumpay ang goal na ginawa nina Dries Mertens at Romelu Lukaku.(Remate News Team)