Enrile sa problema ng smuggling: ‘Kagagawan ng tiwaling tauhan ng isang ahensya’

Enrile sa problema ng smuggling: ‘Kagagawan ng tiwaling tauhan ng isang ahensya’

January 23, 2023 @ 5:07 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Binigyang diin ni Presidential Chief Legal Counsel Juan Ponce Enrile na dahil na din sa  ilang mga tiwaling tauhan ng isang tanggapan kung bakit hindi matapos-tapos ang problema ng bansa sa smuggling.

Sa lingguhang programa ni Enrile, tinuran nito na madali ang suhulan sa mga nasa likod ng nasabing katiwalian kaya’t hanggang ngayon ay hindi mawakasan ang problema sa pagpupuslit ng mga kontrabando sa bansa.

Ito’y sa kabila ng rin ng umano’y pamilyar na mga pangalan na nababanggit na sangkot sa operasyon ng smuggling.

Wika pa ni  Enrile na naririyan din ang aniya’y ilang walang mga konsensiyang negosyante na ang tanging iniisip ay ang kanilang mga sarili lamang at gagawin ang lahat, makalusot lamang sa pagbabayad ng kailangang buwis para sa gobyerno.

Aniya pa rin, nasa enforcement din  ang problema kaya’t nananatili ang suliranin sa pagpupuslit ng mga kargamentong pumapasok sa bansa.

Kamakailan lamang ay nag-utos na si Pangulong Ferdinand R. Marcos ng malawakang reporma sa burukrasya upang masawata ang talamak ng smuggling.

Bukod pa paglaban sa smuggling, nais din ng Pangulo ang  babaan ang logistics costs at tiyakin na magiging madali ang pagne-negosyo.

Ito’y habang sinusuportahan ng gobyerno ang investments at business activity sa bansa. Kris Jose