Enrique, demanding; tinanggihan ng GMA!

Enrique, demanding; tinanggihan ng GMA!

October 24, 2022 @ 6:35 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Naudlot ang pagiging Kapuso ng Kapamilya actor na si Enrique Gil dahil umano sa pagiging demanding nito, ayon sa batikang kolumnista na si Cristy Fermin.

May iba’t-ibang kahilingan at kondisyon umano si Enrique kagaya ng writer, direktor, at production crew na gusto niyang hakutin sa nasabing network.

“Bakit siya tatanggapin at susundin ng GMA-7? Kanino ba ang network? Sino ba ang susugal? Sino ba ang gagastos sa produksyon? Eh hindi naman ‘yung gusto niyang mga makasama ‘di ba,” saad ni Cristy.

“Feeling entitled,” pag-sang ayon ng ibang netizens.

May mga nagtanggol naman at sinabing “May K naman si Enrique.”

May nagdawit din kay Bea Alonzo at sinabing, “Tama ‘yan Quen, ‘wag tularan si Bea!”

Ikaw, nasaang panig ba? Lol. Paula Jonabelle Ignacio