Ensayo ng Gilas, pupusan na

Ensayo ng Gilas, pupusan na

October 6, 2022 @ 11:52 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Magsasagawa ang Gilas Pilipinas ng madalas na praktis sa loob ng isang buwan bago ang November window ng FIBA ​​Basketball World Cup Asian Qualifiers.

Isiniwalat ni Gilas coach Chot Reyes na hindi bababa sa 16 na mga players ang dumadalo sa ensayo na  nagsimula noon pang Setyembre.

Ayon sa ualt, bukod sa mga PBA players, may mga manlalaro rin mula sa UAAP at NCAA ang naimbitihan para sa national team.

“Inaayos na lamang naming ang mga schedule ng mga manlalaro para makatutok ang mga ito sa  FIBA World Cup Asian qualfiers,” ani Reyes.

Dumalo ang mga college basketball star players na sina Carl Tamayo ng University of the Philippines, Kevin Quiambao ng La Salle at Angelo Kouame ng Ateneo sa ensayo ng Gilas.

Pinuri ni Reyes ang mga ipinakitang interes ng mga batang manlalaro.

Bukod sa mga collegiate stars, regular din 0dumadalo sa engayo ang mga beteranong Gilas players na sina June Mar Fajardo, CJ Perez, Roger Pogoy, Poy Erram, and Calvin Oftana, NorthPort’s Arvin Tolentino, William Navarro , LeBron Lopez, Justin Brow lee, Scottie Thompson, Japeth Aguilar at Jamie Malonzo.JC