Entrep adviser sa IATF: Pandemic exit plan, ikasa na

Entrep adviser sa IATF: Pandemic exit plan, ikasa na

January 28, 2022 @ 9:25 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Kailangan nang simulan ng Inter-agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang paunang hakbang para ialis ang Pilipinas sa pandemic mindset, gaya ng pagpapagaan sa coronavirus (COVID-19) restrictions para sa pagpasok ng mga international travelers sa bansa.

Sa liham na ipinadala nina Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion at molecular biologist at OCTA Research fellow Fr. Nicanor Austriaco sa IATF, nakasaad dito kung paano ito gagawin ng IATF.

Kapuwa ipinanukala nina Concepcion at Austriaco ang reinstatement o muling pagbabalik ng international travel protocols bago pa ang ipinatupad noong Disyembre 3, 2021, gaya ng: pre-departure testing within 24 hours of departure using either an RT-PCR or rapid antigen test, with additional PCR-based test upon arrival; three-day quarantine; and arrival testing on the third day of the quarantine, with exit permitted upon showing a negative result.”

Ang mga protocol na ito ay inaprubahan at ipinatupad subalit itinigil nang sumirit ang COVID cases sa bansa dahil sa Omicron variant.

“At this time, the Omicron surge has peaked in the NCR (National Capital Region) and is expected to peak in the different regions of the country in the next two weeks,” ang nakasaad sa liham.

“In its wake, this surge will confer significant population protection throughout the archipelago,” dagdag na pahayag nito.

Tinukoy din ng mga ito ang malaking bilang ng mga Filipino na mayroon ng immunity mula sa COVID-19, maging ito man ay sa pamamagitan ng infection-acquired immunity o sa pagbabakuna.

“We put forward these suggestions as the country’s economic health is now a serious, time-sensitive issue,” ang pahayag nina Concepcion at Austriaco sa kanilang liham.

Kapuwa naniniwala ang mga ito na ang pagbubukas ng bansa sa mundo sa pamamagitan ng pagpapagaan at pagkasa ng simpleng travel restrictions ay mauuwi sa maraming downstream benefits sa ekonomiya lalo na sa micro-, small and medium enterprises, na 99.5% ng negosyo sa bansa.

Ani Concepcion, sa hanay ng Asian countries, tanging ang Pilipinas, Myanmar, at Japan ang mayroong “strictest travel restrictions” habang ang ibang bansa ay binawi na ang curfews at stay-at-home orders, binuksan na ang kanilang borders sa mga non-citizens at non-residents, at pinayagan na ang lahat o most commercial flights sa bansa.

Sinabi ni Austriaco na posible rin aniya ang “test-and-go” system ng Thailand sa Pilipians lalo pa’t “it is now in a better place to do so after having had an Omicron wave.”

Samantala, naniniwala naman si Concepcion na ang travel restrictions ng bansa ay maaaring pagaanin na hindi mako-kompromiso ang kaligtasan ng mga byahero sa pamamagitan ng pag-alis sa facility-based quarantines at sa halip ay i-requiire na lamang ang home quarantines.

Sinabi pa nito na ang mga byahero na nagkaroon ng COVID sa loob ng 60 araw ay dapat na exempted mula sa quarantine para mapaluwag naman ang “bottlenecks” sa mga quarantine facilities.

Ipinanukala rin nito ang re-allocating resources na ginamit sa facility quarantines sa mas pinaigting na surveillance ng positive COVID-19 cases sa mga arriving passengers dahil makalilikha aniya ito ng mas kapaki-pakinabang na data na magiging bagay sa hinaharap.

“The next few months will be critical in how the country will move on from the pandemic,” ayon kay Concepcion.

“I believe the government should set an example and start opening the country to the world. This will instill confidence in the vaccines and encourage more of our countrymen to take them,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose