Entrepreneurship gawing asignatura sa hayskul – solon

Entrepreneurship gawing asignatura sa hayskul – solon

September 7, 2022 @ 6:12 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Upang mahubog ang mga Pilipino na maging matagumpay na entrepreneurs, isinulong ni Deputy Speaker at Las Pinas Rep. Camille Villar na mahubog sa murang edad ang mga estudyante sa konsepto ng pagnenegosyo at makatulong na makalikha ng mga tanggapan sa hinaharap.

Nakapaloob ito sa House Bill 3099 na inihain ni Villar na nagsusulong na maibilang ang entrepreneurship bilang hiwalay na asignatura o subject sa junior at senior year curricula maging ito man ay sa pampubliko o pribadong paaralan sa buong bansa.

Sa kasalukuyan, ang entrepreneurship ay kahalo na rin sa ibang asignatura ng Grades 11 at 12 senior high school base sa K-12 curriculum.

“Entrepreneurship education is a lifelong process, starting as early as elementary school and progressing through all levels of education, including adult education,” ani Villar.

Tinukoy pa ng kongresista na ang maliliit na negosyo sa ngayon ang siyang bumubuhay sa 90 porsyento ng ekonomiya ng bansa at pangunahing nagbibigay ng trabaho sa maraming Pilipino.

Banggit pa ng mambabatas na ang mga bagong henerasyon ay mabilis na kinikilala bilang “most entrepreneurial generation” kung saan 60 porsyento sa kanila ay nagbabalak ng magtayo ng sariling negosyo.

“Entrepreneurship education aids students from all socioeconomic backgrounds to think outside the box and nurture unconventional talents and skills. It creates opportunities, ensures social justice, instills confidence and stimulates the economy.”

Sa ngayon aniya sa buong mundo, ang mahalagang papel ng entrepreneurs ang siyang nagpapauso ng pagbabago sa lipunan na may kasamang solusyon mula sa mga simple hanggang sa masalimuot na mga problema.

“It benefits not just students of science but also those studying art, music and humanities who can develop their imagination through creative thinking skills to real-world problems,” ani Villar.

Ang maaaga aniyang pagtuturo sa mga kabataan ng entrepreneurship ay lumilinang upang magkaroon ang mga ito ng inisyatibo na maging mapaglikha gayundin ay nabubuo ang tiwala sa sarili sa alinmang larangan na nais pasukin.

“The inclusion of entrepreneurship in the curriculum of our students will allow for all these benefits to be reaped by the future generations which will allow our economy to flourish and emerge as one of the leading economies in Asia and the world,” giit pa ni Villar. Meliza Maluntag