Environmental group nagbabala vs school supplies na may lead, cadmium content

Environmental group nagbabala vs school supplies na may lead, cadmium content

August 13, 2022 @ 5:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sa nalalapit na pag-arangkada ng pasukan sa Agosto 22,  nagbabala ang environmental group EcoWaste Coalition nitong Sabado sa toxic chemicals, kabilang ang lead at cadmium na maaaring makaapekto sa mga mag-aaral, na natukoy sa ilang school supplies.

Sinabi ng EcoWaste Coalition,na nagsusulong ng chemical safety at zero waste campaign in sa mga paaralan, na taon-taon itong nagsasagawa ng test buy ng school suppliesupang matukoy kung may mga produktong naglalaman ng mga kemikal na mapanganib sa mga bata.

Binili nila ang mga produkto sa retail store sa iba’t ibang lugar kabilang ang Manila, Quezon City, Cagayan de Oro, Iligan City, at Davao.

Gamit ang X-ray fluorescence (XRF) analyzers, natukoy ng grupo na 38 sa 85 school supply items ang may halong mapanganib na lebel ng lead at cadmium. Kabilang sa mga ito ang mga sumusunod:

  • painted metal clips and pins

  • stainless water bottles

  • cable winders

  • graphic bookmarks

  • lunch bags

  • Backpacks

  • raincoats

“Lead is a very powerful neurotoxin, targeting the brain and the thinking of the person especially children,” ani Environmental Health Specialist Dr. Geminn Louis Apostol.

“While the children are still young and they are exposed to these chemicals that target their brains, it could possibly affect their thinking and intelligence.”

Idinagdag n Apostol na ang IQ ng isang indibidwal ay bumababa ng 0.25 hanggang 0.5 kada isang microgram per deciliter increase ng lead sa dugo.

Batay din sa datos ng World Health Organization, sinabi ng EcoWaste Coalition na ang lead at cadmium ay kabilang sa 10 chemicals of public health concern.

Kabilang din ang mga ito sa priority chemicals list sa bansa.

Wala rin umanong impormasyon sa school supplies na may mapanganib itong kemikal, ayon sa grupo.

Nanawagan naman ang EcoWaste Coalition sa manufacturing industries na itigil ang paggamit ng mapanganib na kemikal sa school supplies.

Hinikayat din nito na maglagay ng babala ukol sa mga kemikal na ito. RNT/SA

Mga larawan kuha ni Danny Querubin