Environmental protection tinalakay nina PBBM, DENR chief

Environmental protection tinalakay nina PBBM, DENR chief

July 21, 2022 @ 7:13 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Tinalakay ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. kay Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga ang mga inisyatiba na naglalayong protektahan ang kapaligiran.

Makikita sa official Facebook page ng Office of the President (OP) ang mga larawan na kuha sa nangyaring pagpupulong nina Pangulong Marcos at Yulo-Loyzaga sa Malakanyang.

Partikular na pinag-usapan nina Pangulong Marcos at Yulo-Loyzaga ang environmental protection efforts na makatutulong sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na magampanan ang mandato na protektahan at alagaan ang kapaligiran.

“President Ferdinand Romualdez Marcos Jr. met with the new DENR Secretary Ma. Antonia Yulo-Loyzaga to discuss topics concerning our environment such as development, enhancement, up to restoration and regeneration of our natural resources, and digitizing databases and systems of the department,” ang nakasaad sa Facebook page

Sa kabilang dako, mandato ni DENR Secretary Yulo-Loyzaga na panindigan ang mandato ng departamento na naglalayon para sa “conservation, management, development, and sustainable use of the country’s ecosystems and natural resources.”

Ang pagkakatalaga kay Yulo-Loyzaga ay nangyari sa gitna ng environmental issues, kabilang na ang sakuna dahil sa climate change, environmental pollution, illegal wildlife activities, at iba pang usapin ukol sa “land, mining, biodiversity loss and forestry.”

Samantala, sa isang kalatas sa Presidential Communications’ Facebook page, sinabi ng Office of the Press Secretary (OPS) na kumpiyansa si Pangulong Marcos na “best fit for the job” si Yulo-Loyzaga.

“The Chief Executive expressed his trust and confidence in the DENR chief, citing her stint as the chairperson of the International Advisory Board of the Manila Observatory will be vital in envisioning the agenda of the government to address climate change and other environmental issues,” ayon sa OPS.

Habang sa official Facebook page naman ni Pangulong Marcos, tiniyak nito sa publiko na magsasagawa siya ng masusing ebalwasyon sa mga programa at polisiya ng departamento at tanggapan sa ilalim ng Executive Branch, kabilang na ang DENR.

“Susuriin natin ng mabuti ang bawat plano, programa, at polisiya upang masigurado na nararapat at naaakma ang mga ito sa pangangailangan ng bawat Pilipino,” aniya pa rin. Kris Jose