‘Environmental scanning’ ng mga lugar sa PNP ops ipinag-utos ni Azurin 

‘Environmental scanning’ ng mga lugar sa PNP ops ipinag-utos ni Azurin 

September 2, 2022 @ 6:06 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. nitong Biyernes ang “environmental scanning” upang matukoy ang mga panganib sa iba’t ibang mga lugar upang matiyak ang kaligtasan ng police personnel sa kasagsagan ng mga operasyon.

Ito ay kasunod ng ambush sa Ampatuan, Maguindanao nitong Martes kung saan napatay ang hepe at isa pang pulis ng bayan, na magsisilbi sana ng warrant of arrest sa isang wanted person sa lugar.

“You should conduct environmental scanning because while it is true na kailangan ay gampanan ‘yung trabaho natin ay huwag rin natin i-sacrifice ‘yung security natin. So if we need more people to enter the area gawin natin,” ani Azurin.

Ani Azurin, anim na suspek, na lahat ay miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at may outstanding arrest warrants, ang natukoy na sangkot sa insidente.

Iniatas niya ang agad na paghahain ng kaso sa gitna ng patuloy na pursuit operations laban sa mga suspek.

Samantala, muling nanawagan si Azurin na makipag-ugnayan ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa pamahalaan sa pagtugis sa lawless elements sa Mindanao.

Ito ay kasunod ng mg aulat na kinakailangan pa ng mga pulis na humingi ng permiso mula sa grupo bago magkasa ng anti-criminality operations sa teritoryo nito.

“We expect them that if they are embracing the government, they will be joining in the peace and security efforts of our country and one way of showing is that our police are free to enter what they say as their camps or territories,” sabi ni Azurin.

“Alam naman nila kung sino ‘yung may kaso sa kanila, i-surrender na nila para hindi na maulit ‘yung mga ganitong insidente. This time, sabi ko nga we need also reciprocity from them. So by surrendering ‘yung mga tao nila, that’s part of the reciprocity that we are expecting from them,” dagdag niya. RNT/SA