Environmental watchdog sa publiko: Glitter nakapipinsala sa marine life, kapaligiran

Environmental watchdog sa publiko: Glitter nakapipinsala sa marine life, kapaligiran

November 29, 2022 @ 7:10 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Umapela ang environmental watchdog sa publiko na mag-ingat sa paggamit ng “glitters” dahil ito ay kilalang microplastics na maaring makapinsala sa marine life at sa kapaligiran.

Ang apela ng BAN Toxics ay dahil na rin sa pagiging abala ng publiko sa paglalagay ng dekorasyon sa kani-kanilang bahay, eskwelahan, malls at iba pang establisyimento habang papalapit na ang yuletide season.

Ayon sa environmental watchdog, ang glitters ay maliliit at makintab na mga particle na pangunahing ginagamit para sa dekorasyon, sa mga laruan at mga produktong pambata at kung minsan ay ginagamit sa buhok, mukha, kuko at katawan upang gawin itong makintab at magkaroon ng repleksyon na epekto.

“Microplastics such as glitter and other plastic materials that break down into smaller particles may lead to health and environmental concerns for both human and marine wildlife. Glitter can also contribute to the spread of toxic chemicals through a number of ways once disposed improperly,” sabi ni Jam Lorenzo, Policy and Research Specialist ng BAN Toxics sa kanilang news release.

Upang matugunan ang pandaigdigang alalahanin sa plastic pollution, pangungunahan ng United Nations Environment Programme ang unang sesyon ng Intergovernmental Negotiating Committee (INC1) mula Nobyembre 28 hanggang Disyembre 2 para bumuo ng “international legally-binding instrument on plastic pollution” kabilang ang marine environemnt.

“We call on the Philippine government to prioritize plastic pollution related policies and laws including the ban on single-use plastic and eliminating use of microplastics such as glitter due to its potential impact to health, the environment and our marine life,” dagdag pa ng BAN Toxics. Jocelyn Tabangcura-Domenden