Environmentalists, mangingisda, atbp nagprotesta vs reklamasyon ng Manila Bay

Environmentalists, mangingisda, atbp nagprotesta vs reklamasyon ng Manila Bay

March 27, 2019 @ 1:31 PM 3 years ago


Manila, Philippines – Nagsama-sama ang mga grupo ng mga environmentalist, mangingisda, urban poor at dragon boat teams umaga ngayong Miyerkules upang mag-protesta kontra sa planong reklamasyon sa Manila Bay.

Dalawang yate at tatlong banca ang naglayag sa Manila Bay para sa isinagawang fluvial protest.

Pinangunahan ng grupong PAMALAKAYA Pilipinas ng mangingisda, urban poor at dragon boat federation at mga miyembro ng Manila Yatch club ang protesta laban sa planong reklamasyon sa Manila Bay. Jhun Mabanag

Ayon sa mga protestante, lubhang maaapektohan ng planong reklamasyon ang tahanan ng mga lamang dagat at kabuhayan ng mga mangingisda.

Una nang sinabi ng Malakanyang na ang reclamation project sa Manila Bay ay magiging beneficial sa gobyerno.

Mariin tinutulan ng advocacy group Oceana ang reklamasyon ng Manila Bay gayong may bagong tuklas na lahi ng sardinas, Sardinella pacifica, na maaari lang matagpuan sa Pilipinas, partikular na sa Quezon, Sorsogon, Samar at sa Manila Bay.

“We appeal to President Rodrigo Duterte to stop all reclamation projects lined up in Manila Bay,” ani Gloria Estenzo Ramos, vice president ng Oceana Philippines, sa isang  statement na ipinadala sa News5./Remate News Team