Envoy: Lockdown may malaking papel sa paglala ng online exploitation sa mga kabataan

Envoy: Lockdown may malaking papel sa paglala ng online exploitation sa mga kabataan

August 23, 2022 @ 6:40 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Malaki ang naging ambag at bahagi ng lockdowns sa paglala ng sitwasyon ng  online exploitation sa mga kabataan sa Pilipinas.

Sinabi ni Philippine Special Envoy to United Nations (UN) Nikki Teodoro na madaling  ikalakal o ibenta ang mga kabataan para pagkakitaan dahil sa teknolohiya.

Bukod dito, madali aniyang pumunta ng bansa dahil hindi naman kailangan ng visa.

“Lockdown played a big part of parents actually, may I say, prostituting their children online… marketing, sorry, marketing their children online for profit,”  ayon kay Teodoro.

“Then the fact that It’s easy to put up a site. You put one, you can have ten at the same time, so it’s technology that’s made it easier for these perpetrators to market their children or our children,” dagdag na pahayag nito.

“It’s gotten easier and it’s gotten more lucrative so the lockdown played a big part and now we have to play a bigger part in protecting our children by reporting it immediately, “ang wika pa ni Teodoro.

Sinabi naman ni Interior Secretary Benhur Abalos na ang mawalan ng hanapbuhay ang isang tao dahil sa  COVID-19 pandemic ay maaaring isa sa mga dahilan kung bakit tumaas ang bilang ng  online exploitation laban sa mga kabataan.

“We just came from a pandemic, remember this kind of a crime, sabi nga nila you could just do it in a bedroom… in a room, with a camera, with witnesses… just a child who’s very innocent, so easy to do it,” ayon kay Abalos.

“Alam naman natin during pandemic, maraming naghirap, maraming walang trabaho, we cannot tell kung ano talaga ang reason nila pero it could be one of the factors bakit tumaas ito…”dagdag na pahayag nito.

Aniya, mula Enero hanggang Hulyo ng taong kasalukuyan, 20 kaso ng  online sexual exploitation ng mga kabataan ang naiulat kung saan anim mula sa nasabing bilang ay sumasailalim sa masusing imbestigasyon.

Samantala, para naman kay Philippine National Police (PNP) chief Police General Rodolfo Azurin Jr. gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang mapigilan ang online exploitation sa bansa.

“Since 2019 we are able to receive 378 referrals and then we were able to conduct 250 police operations, arrests were made and we were able to file 225 cases against perpetrators,” ayon kay Azurin.

Aniya, mula Enero hanggang Agosto  2021,  may kabuuang 43 operasyon ang isinagawa at 25 kaso naman ang naisampa.

Sa kahalintulad na panahon ngayong taon, may 29 na operasyon ang naisagawa habang 20 kaso naman ang naisampa.

“Cases solved from January to August 2021 were 11 while four cases have been solved in the same period in 2022,” ayon kay Azurin.

Idinagdag pa nito na 25 kaso ang “cleared” na mula Enero  hanggang Agosto 2021  habang ang  20 naman ay “cleared” mula Enero hanggang Agosto 2022. Kris Jose