7 bilateral agreements inaasahang pipirmahan sa Japan visit ni PBBM

February 1, 2023 @1:13 PM
Views: 2
MANILA, Philippines – Inaasahang mapipirmahan ang nasa pitong bilateral agreements sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Japan sa susunod na linggo.
Nakatakdang bumisita si Marcos sa Tokyo mula Pebrero 8 hanggang 12, kung saan inaasahan na palalakasin nito ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Japan.
“During the visit, we anticipate the signing of seven key bilateral documents or agreements covering cooperation in infrastructure development, defense, agriculture and information and communications technology, areas that are in the President’s priority agenda,” ayon kay DFA Assistant Secretary Neal Imperial.
Aniya, kasama sa biyahe patungong Japan sina First Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos, former President Gloria Macapagal-Arroyo, Senate President Juan Miguel Zubiri, Speaker Martin Romualdez, Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, Finance Secretary Benjamin Diokno, Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual, Energy Secretary Rafael Lotilla, Tourism Secretary Christina Frasco, Special Assistant to the President Antonio Lagdameo Jr., at Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil.
Makikipagpulong naman si Marcos kay Japanese Prime Minister Fumio Kishida, na susundan ng working dinner na pangungunahan ng Japanese leader.
“Both leaders will discuss a broad range of bilateral and regional issues to further strengthen the two countries’ cooperation in the second decade of their strategic partnership,” sinabi pa ni Imperial.
Ibinahagi rin niya na bibigyan ang Pangulo at ang First Lady ng Imperial Audience kasama sina Emperor Naruhito at Empress Masako.
Magkakaroon din ito ng meet and greet sa Filipino community bago lumipad pabalik ng Manila sa Pebrero 12.
Nauna nang sinabi ni Marcos na ang kanyang pagbisita sa Japan ay nakasentro sa economic security.
“The agenda will be a continued discussion of what we started in New York, which essentially centers around economic security,” anang Pangulo.
Noong Nobyembre 2022, nagkasundo si Marcos at Japanese Prime Minister Fumio Kishida na palakasin pa ang kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at Japan.
Dito ay nagpasalamat naman ang Pangulo sa Japan sa suportang natatanggap ng bansa sa iba’t ibang larangan lalo na sa disaster management. RNT/JGC
4 na miyembro na susuri sa PNP resignations pinangalanan na

February 1, 2023 @1:00 PM
Views: 2
MANILA, Philippines – Isiniwalat ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ang apat na miyembro ng five-man committee na magrerepaso sa courtesy resignations ng Philippine National Police (PNP) senior officials.
Ang apat na miyembro ay sina Baguio City Mayor Benjamin Magalong, PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr., former Defense chief Gilbert Teodoro, at Undersecretary Isagani Neres mula sa Office of the Presidential Adviser on Military Affairs.
Ang huling miyembro ng five-man committee ay nakiusap na huwag muna siyang pangalanan.
Matatandaan na noong Enero 4 ay umapela si Abalos sa mga senior PNP official na magsumite ng kanilang courtesy resignation bilang bahagi ng cleansing ng pamahalaan at sa ahensya, kontra sa illegal drug trade.
Kahapon, Enero 31 ang huling araw ng pagpapasa ng kani-kanilang mga resignations.
Samantala, rerepasuhin din ng National Police Commission ang mga pangalan ng police officers kung saan tinanggap na ang pagbibitiw sa tungkulin. Kris Jose
Barbara Miguel, humagulgol sa pag-throwback sa Kapuso!

February 1, 2023 @12:50 PM
Views: 3
Manila, Philippines – Teary eyed at very emotional ang dating GMA-7 Artist Center talent na si Barbara Miguel sa media launch ng Marikit Artist Management, ang bagong nagma-manage sa kanyang career.
Nag-throwback kasi si Barbara sa kanyang personal problem na pinagdaanan nila ng kanyang pamilya noong 2020, na naging dahilan din ng pag-alis niya sa GMA-7.
Sinabi ni Barbara na nagsimula siya sa Kapuso noong 2011 when she was 8 years old. Napanood siya sa maraming projects as a child actress tulad ng Munting Heredera and Biritera among others.
Noong 2013 ay nanalo siyang Best Actress sa Harlem International Film Festival for the movie, Nuwebe.
Ten years ang pinirmahan niyang kontrata sa GMAAC noong 8 years old pa lang siya at magtatapos sana ito ng taong 2022.
Pero last 2020 ay pina-terminate na nila ito dahil nagkaroon sila ng matinding family problem.
“Year 2019 was a very hard year not just because of my career. Everything was just family issues,” kuwento ni Barbara.
Bumalik dae sila sa Davao na siyang hometown nila and then the pandemic happened.
Naging maayos naman daw ang paalaman nila ng GMA-7 at wala silang bad blood and in fact, masaya raw ang network para sa kanya.
Ngayon ay nagsisimula muli si Barbara sa bago niyang management at open daw siyang magtrabaho sa kahit saang network.
Bukod kay Barbara, ang iba pang talents ng Marikit ay ang dati ring child actress na si Kyle Ocampo, Chinita charmer Angelika Santiago, Starstruck Alumni Jeremy Luis, pageant king Charles Angeles at ang boy band na Masculados.
Marikit Artist Management is owned and managed by CEO Jojo Aleta and partners Melai, Yannie, Tristan and Eboy. JP Ignacio
Dominic, pinagtanggol ni Bea!

February 1, 2023 @12:40 PM
Views: 4
Manila, Philippines- Ang suwerte ni Dominic Roque dahil pinagtanggol siya ni Bea Alonzo. Ang pamangkin ni Beth Tamayo na si Dom na nga marahil ang huling lalaki sa buhay ni Bea. Sinabi pa ni Bea sa isang panayam na hindi siya tumitingin sa estado ng isang lalaki.
Aba, ang laki ng farm ni Bea sa Zambales, meron siyang row of aprtments sa Madrid, Spain at may kontrata siya sa GMA7 na sinasabing siya ngayon ang highest earner among the Kapuso actresses.
Si Dominic naman, sa true lang naman, ay may mga negosyong napundar bagama’t ‘di siya masyadong aktibo sa syobis.
Ang importante, magkasundo sila ni Bea. Kitang kita naman ang mga sweet moments ng dalawa sa kanyang posts sa social media.
Hmmmp, kailan kaya magpo-propose ng kasal si Dom kay Bea? Favatinni San
PBBM bibisita sa Japan sa Feb. 8-12

February 1, 2023 @12:30 PM
Views: 28