EO para gawing pang-housing projects ang gov’t lands ilalabas ni PBBM

EO para gawing pang-housing projects ang gov’t lands ilalabas ni PBBM

November 8, 2022 @ 8:33 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nakatakdang tintahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang executive order (EO) na naglalayong ireserba ang mga state-owned lands na nananatiling nakatengga para gamitin sa housing projects ng gobyerno.

Ayon sa Office of the Press Secretary, sinabi ni Pangulong Marcos na ang EO ay may layuning “ensure flexibility in deciding which of these lands should be used for housing.”

Makikipagpulong naman ang Pangulo sa mga opisyal ng mga “concerned banks and financial institutions” upang talakayin kung paano tutulungan ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na maunawaan ang target nito na magtayo ng isang milyong housing units kada taon o anim na milyong pabahay bago sa pagtatapos ng kanyang termino.

Ipatutupad ng EO ang Seksyon 24 ng Republic Act No. 11201, na binibigyang mandato ang ilang ahensiya ng gobyerno na sama-samang i-identify ang mga tinatawag na ” idle state lands” na akma para sa pabahay at rural development.

Sa ilalim ng EO, ang imbentaryo ay gagawin ng DHSUD, Department of Agrarian Reform (DAR), Department of Agriculture (DA), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of the Interior and Local Government (DILG) at Land Registration Authority (LRA) para i- identify ang mga lupaing ito, tinatayang mahigit sa 16,000 ektarya ang gagamitin para sa socialized housing.

Binigyang daan ng RA 11201 ang paglikha sa DHSUD at binigyan ang housing agency ng kapangyarihan na “to take and administer government lands” na nakatengga o nakatiwangwang lang sa loob ng 10 tyaon at gamitin ang mga ito sa urban development.”

“The law empowers the housing department to own and administer government-owned lands that have not been utilized for the purpose they have been originally reserved or acquired for at least 10 years and identified as suitable for urban development,” ayon sa ulat.

“The EO will not create a new regulations but will just enforce the existing law,” giit ni Pangulong Marcos. Kris Jose