EO sa kalos-taripa sa agri products pinalawig ni PBBM

EO sa kalos-taripa sa agri products pinalawig ni PBBM

December 19, 2022 @ 6:50 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pinalawig ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbabawas sa taripa sa piling agricultural products hanggang sa matapos ang 2023, base na rin ito sa inirekomenda ng National Economic and Development Authority (NEDA).

Sa ilalim ng Executive Order 171, ang pagbabawas sa tariff rates ay mananatiling epektibo hanggang Disyembre 31, 2023, nakatakda na kasi itong mapaso’ sa Disyembre 31, 2022 base sa kautusan na ipinalabas ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“With the extension, imports of swine (fresh, chilled, or frozen) will be taxed at 15% for in-quota and 25% for out-quota, corn at 5% for in-quota and 15% for out-quota, and rice at 35%,” ayon sa ulat.

Ang coal o uling na inangkat ay mayroong zero duty kahit pa lumampas sa Disyembre 31, 2023.

Nauna rito, sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na ang ekstensyon ay naglalayong magbigay ng kaginhawaan sa tinatawag na ‘vulnerable segments’ na tinamaan ng mataas na inflation rates.

“Through this policy, we shall augment our domestic good supplies, diversify our sources of food staples, and temper inflationary pressures arising from supply constraints and rising international prices of production inputs due to external conflict,” ayon kay Balisacan.

Napanatili naman ng gobyerno ang 2% hanggang 4% inflation rate projection hanggang 2026. Kris Jose