EO sa pagbuo ng energy virtual one-stop shop task group pirmado na ni PRRD

EO sa pagbuo ng energy virtual one-stop shop task group pirmado na ni PRRD

July 7, 2021 @ 8:14 AM 1 year ago


MANILA, Philippines ā€“ Bumuo si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng isang task group na mangangasiwa sa Energy Virtual One-Stop Shop (EVOSS) na naglalayong gawing madali ang proseso ng energy project applications.

Ang ginawang paglikha ng Pangulo ng task group ay sa pamamagitan ng Executive Order No. 143 na nilagdaan noong Hulyo 2, subalit isinapubliko lamang kahapon, araw ng Martes.

Ang nasabing task group ay magiging responsable para sa implementasyon ng Republic Act 11234 o EVOSS ActĀ  na tinintahan ng Punong Ehekutibo noong March 2019.

Ang mga miyembro ng ETG ay ang mga Kalihim ng Departments of Agriculture, Agrarian Reform, Environment and Natural Resources, Interior and Local Government, at Information and Communications Technology.

Maaari rin namang imbitahan ng ETG ang mga kinatawan mula sa ibang government agencies, local government units, government-owned or -controlled corporations, at private entities na may pasubali na ang kanilang pagkakasama sa proseso ng energy projects ay ā€œnecessaryā€ para sa implementasyon ng EO.

Maliban sa layon na mapadali ang proseso ng energy project applications, tungkulin ng ETG na tiyakin ang “operationalization” ng EVOSS, kabilang na ang interoperability ng umiiral na sistema na may plataporma at establishment ng online system.

Magtutulungan naman ang ETG at ang Anti-Red Tape Authority sa streamlining processes na may kinalaman sa energy projects.

Nakasaad pa rin sa EO, na ang task group ay kailangang magsumite sa Office of the President ng annual report hinggil sa implementasyon ng EVOSS. Kris Jose