EO sa pagprotekta sa pagkamit sa abortion nilagdaan ni US President Joe Biden

EO sa pagprotekta sa pagkamit sa abortion nilagdaan ni US President Joe Biden

July 9, 2022 @ 4:15 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nilagdaan ni US President Joe Biden ang isang executive order upang protektahan ang pagkakaroon ng mga kababaihan sa America ng desisyon ukol abortion.

Target ng executive order na alisin ang ilang parusa sa mga babae na nais magpa-abort.

Kinondena ni Biden ang Supreme Court majority na tumapos sa constitutional right sa abortion at naging sanhi ng pag-apela sa mga Amerikano na dismayado sa desisyon na bumoto sa midterm elections sa Nobyembre.

Layunin ng mga aksyon ng Presidente na alisin ang potensyal na parusa na maaaring harapin ng mga babaeng nais magpa-abort subalit hindi nito maibabalik ang legalisasyon ng abortion sa mahigit isang dosenang states kung saan ikinasa ang total ban.

Alinsunod sa alituntunin ng EO na pinirmahan ni Biden, ipinag-utos sa departments of justice at health and human services ang pagpigil sa paglimita sa abilidad ng mga kababaihan sa federally approved abortion medication o pumunta sa ibang state upang maka-access sa clinical abortion services.

Hiniling din niya sa Federal Trade Commissionna protektahan ang privacy ng ukol sa reproductive care online at magtalaga ng task force upang i-coordinate ang federal efforts upang bantayan ang abortion.

“The fastest way to restore Roe is to pass a national law,” giit ni Biden.

“A 10-year- old should be forced to give birth to a rapist’s child?” pagbabahagi ni Biden.

Hinikayat naman niya ang mga tagapakinig na ilagay ang kanilang sarili bilang “that little girl”. 

“Does anyone believe that the majority view is that should not be able to be dealt with?”

“This isn’t some imagined horror,” aniya.

“It’s already happening … I can’t think of anything more extreme.” RNT/SA