EO sa Philippine Development Plan tintado na ni PBBM

EO sa Philippine Development Plan tintado na ni PBBM

January 30, 2023 @ 1:52 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Tinintahan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isang executive order (EO)  na naglalayong aprubahan at i-adopt ang Philippine Development Plan para sa taong 2023-2028.

Magsisilbi itong roadmap para sa  economic recovery ng  bansa.

Sa ilalim ng EO No. 14,  nilagdaan ng araw ng Biyernes, Enero 27, ang PDP,  bilang second medium-term plan na naka-angkla sa “AmBisyon Natin 2040, that aims to bring back the country to a high-growth trajectory and more importantly, enable economic and social transformation for a prosperous, inclusive, and resilient society.”

Ang AmBisyon Natin 2040 ay nagsisilbing guide para sa  development planning mula 2016-2040 upang magawa ng mga Filipino na maabot ang matatag, maginhawa at panatag na buhay.

Ang  PDP ay naka-angkla rin sa  8-Point Socioeconomic Agenda ng administrasyong Marcos na naglalayong  palakasin ang job creation at pabilisin ang poverty reduction habang tinutugunan ang mga usapin dahil sa COVID-19 pandemic.

Ang  PDP 2023-2028 ay nauna nang inaprubahan ng  National Economic and Development Authority (NEDA) Board,  pinamumunuan ng Pangulo, noong Disyembre 16, 2022, kasunod ng serye ng  Cabinet-level at technical inter-agency discussions at stakeholder consultations.

“We approved the Philippine Development Plan for 2023 to 2028 and this sets out the framework of the development plan for the Philippines and we have included all of the priority areas,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang naging mensahe nang ianunsyo ang approval  ng PDP.

“This will facilitate the coordination and the alignment of all departments and all agencies in government to a single plan so that we are all working in the same direction,” ayon sa Pangulo.

Sa ilalim ng EO No. 14, “all national government agencies, government-owned or -controlled corporations (GOCCs), government financial institutions (GFIs), other national government offices and instrumentalities, government corporate entities (GCEs), state universities and colleges (SUCs), and local government units (LGUs) are directed to adopt and disseminate the PDP 2023-2028.”

Inaatasan din ang mga ito na iayon  ang kanilang budgetary at department/corporate programs kasama ang estratehiya at aktibidad na tinukoy sa PDP 2023-2028.

Ang pagbabalangkas sa PDP 2023-2028 ay dapat na makompleto ng NEDA sa unang bahagi ng 2023 at dapat na taon-taon nirerepaso o kung kinakailangan. Kris Jose