EO sa ‘total electrification’ inisyu na ni Pangulong Duterte

EO sa ‘total electrification’ inisyu na ni Pangulong Duterte

December 11, 2021 @ 1:51 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Nagpalabas ang Malakanyang ng isang Executive Order (EO) para sa “consistent and reliable electricity service” para makamit ang total electrification sa Pilipinas.

Sa Executive Order 156 na inilabas ng Palasyo ng Malakanyang, target nitong makasabay ang mga lugar sa nais ng gobyerno na total electrification sa bansa.

Sa pamamagitan nito ay inaatasan ang Energy Department na tukuyin ang mga lugar sa bansa na tinaguriang ‘underserved’ na mga lugar at hindi napagkakalooban ng episyenteng electricity service.

Bukod dito, inaatasan din ang mga district utilities na magsumite sa DOE sa loob ng 30 araw ng kanilang Comprehensive Electrification Master Plan sa kani-kanilang franchise areas.

Sa bisa ng EO 156 ay binibigyang kapangyarihan din ang Energy Department na i- reject ang isang Comprehensive Electrification Master Plan kung hindi makakaabot sa pamantayang itinakda ng gobyerno na may kinalaman sa pagbibigay ng serbisyong pang-elektrisidad.

Ang EO ay nilagdaan kahapon, Disyembre 10. Kris Jose