Epektibong nat’l ID system kailangan sa SIM Card Registration law – telco

Epektibong nat’l ID system kailangan sa SIM Card Registration law – telco

October 10, 2022 @ 6:55 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nanawagan ang mga telecommunications company na pabilisin pa ang rollout ng national identification system kasabay ng pagsasabatas ng SIM Card Registration Act.

Ayon sa Globe Telecom Inc., suportado nila ang hakbang na ito at handa na rin sa pagtulong sa pamahalaan sa paggawa ng implementing rules and regulations (IRR).

“We support the passage of this measure after previous roadblocks and we are ready to comply,” ani Globe general counsel Froilan Castelo.

“Aside from our advanced cybersecurity capabilities, we welcome a new regulatory environment that has stronger safeguards against cyberthreats and other crimes carried out using mobile phones,” dagdag pa niya.

Sa kabila nito, idiniin din ni Castelo na mababalewala lang ang layunin ng SIM registration kung kahit anong ID lamang ang ipapasa o gagamitin.

“For this reason, our position has been clear from the beginning, a national ID system must be in place to ensure the safe and successful implementation of this new law,” aniya.

Ganito rin ang sentimyento ni DITO Telecommunity Corp.’s chief technology officer Rodolfo Santiago na nagpahayag ng kahalagahan ng national ID system.

“We have mentioned in previous statements that it will greatly help if both the national ID system and the passport system will be used as the validation of the identity of the subscriber,” ani Santiago.

“Doing so will unburden the telcos of the need to establish another database to store biometrics data, which would be time consuming and resource heavy,” dagdag niya.

Sa kasalukuyan ay wala pang komento ang PLDT Inc. at Smart Communications Inc. sa usaping ito. RNT/JGC