Epekto ng easterlies iiral sa NCR, nalalabing bahagi ng bansa

Epekto ng easterlies iiral sa NCR, nalalabing bahagi ng bansa

April 21, 2022 @ 6:53 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Mararamdaman ang epekto ng easterlies sa maraming bahagi ng bansa, iniulat ng PAGASA sa pagtataya nito ngayong Huwebes.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng easterlies / localized thunderstorms na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa sa panahon ng matinding pag-ulan.

Ang extreme northern Luzon ay makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang bilis ng hangin na kumikilos sa direksyong silangan hanggang timog-silangan habang ang mga baybaying dagat ay magiging mahina hanggang sa katamtaman.

Ang natitirang bahagi ng bansa ay magkakaroon ng mahina hanggang sa katamtamang bilis ng hangin na kumikilos sa direksyong silangan hanggang hilagang-silangan habang mananatiling mahina hanggang sa katamtaman ang mga tubig sa baybayin.

Sumikat ang araw bandang 5:39 a.m., at lulubog naman mamayang 6:11 p.m. RNT