Epekto ng suspensyon ng San Miguel supply deal nakaamba sa Enero – Meralco

Epekto ng suspensyon ng San Miguel supply deal nakaamba sa Enero – Meralco

December 10, 2022 @ 2:45 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Mararamdaman ng mga kustomer ang epekto ng suspensyon ng kasunduan sa pagitan ng Manila Electric Company (Meralco) at San Miguel’s South Premier Power Corp. (SPPC) sa January billing month, ayon sa opisyal ng power distribution firm nitong Sabado.

Nitong linggo, inanaunsyo ng San Miguel Corp. ang paghinto sa 670-megawatt (MW) power supply agreement (PSA) sa Meralco matapos mag-isyu ng Court of Appeals ng temporary restraining na sumususpinde sa PSA sa loob ng 60 araw. 

“Itong epekto ng pagtigil ng pagsu-supply ng San Miguel sa Meralco ay sa January bill pa makikita,” ani Meralco public relations head Claire Feliciano.

“Kailangan natin hintayin ang paggalaw hanggang matapos ang supply month. Makikita ang epekto nito sa January bill,” dagdag niya.

Nauna nang inihayag ng Meralco na nakikipagkasundo ito sa power generation companies upang punan ang 670-MW supply na nawala rito matapos itigil ng SPPC ang kanilang power supply deal upang protektahan ang mga kustomer mula sa potensyal na taas-singil.

Sinabi ng power distributor na pansamantala itong kumukuha ng supply saklaw ng PSA mula sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).

“Ang kontrata natin sa SCPC ay around P4.30 kilowatt-hour… Ang WESM, pabago-bago, nasa P7 to P9 ang presyo nito kada kilowatt-hour,” ani Feliciano.

Nauna nang iginiit ni Energy Regulatory Commission (ERC) chairperson Monalisa Dimalanta na asahan na ng Meralco customers na kumokonsumo ng 200 kilowatt-hours ang “P60 to P80 additional” na singil sa kanilang bill kasunod ng suspensyon ng Meralco-SPPC supply deal. 

“Sa ngayon, naghahanap ang Meralco ng ibang options na maaaring pagkunan ng supply maliban sa WESM… We’re considering offers of other generators for the possible supply. Ang tawag namin dito ay emergency power supply agreement,” ayon sa opisyal.

“We are currently negotiating the prices tapos kapag nagkasundo na, mag-e-execute na ng kontrata para masiguro na makakuha tayo ng least cost option para sa ating customer despite the current circumstances,” patuloy niya.

Tiniyak din niya sa power consumers that there  na hindi magkakaroon ng brownout kasunod ng suspensyon ng supply agreement sa San Miguel’s SPPC.

Nagmula ang desisyon ng CA sa petisyon ng SPPC na humihiling ng temporary relief matapos ibasura nf ERC nito at ng San Miguel Energy Corp., at Meralco na taasan ang generation sa gitna ng mas mataas na presyo ng mga materyal na ginagamit upang makapagprodyus ng kuryente. RNT/SA