ERAP, GMA-RAMOS SUPORTADO ANG BBM-SARA UNITEAM

ERAP, GMA-RAMOS SUPORTADO ANG BBM-SARA UNITEAM

December 8, 2021 @ 7:04 PM 10 months ago


Alam na ng lahat na nagpahayag na ng suporta ang dalawang dating Pangulo ng bansa at isang ginagalang na alkalde sa ka-Ilokanuhan sa tambalang BBM-SARA Uniteam nina presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at vice-presidential aspirant Davao City Mayor Sara Duterte bilang kanilang opisyal na kandidato sa darating na halalan.

Nitong nakaraan Huwebes lamang, pormal nang nakipag-alyansa ang partido ni dating Presidente Gloria Macapagal-Arroyo na Lakas-CMD (Christian Muslim Democrats) at Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) ni dating Presidente Joseph Estrada sa Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na pinangungunahan ni Marcos at sa Hugpong ng Pagbabago (HnP) ni Inday Sara.

Ang kaganapang ito ay inaasahang mas magpapalakas pang lalo sa tambalang BBM-SARA Uniteam at sa kanilang isinusulong na nagkakaisang pamamahala lalo na’t sila ay nasa proseso na ng pagpapatibay pang lalo ng suporta sa kanilang mga teritoryo o mas kilala sa tawag na “Solid North” at “Solid South.”

Ang alyansang ito ang magbibigay-raan din sa isang malakas na political bloc na siyang nakatulong sa kandidatura nina Macapagal-Arroyo, Estrada, at former president Fidel Ramos upang sila ang mahalal na Pangulo sa mga nagdaang eleksyon.

“We have come together on the basis of unity. And it is this unifying forces that I believe will bring the stability back first to the political arena, and secondly, to the country,” ayon kay Bongbong Marcos.

Inaasahan naman ni Sara Duterte na ito pa lamang ang simula nang sunod-sunod na pagbuhos ng suporta sa kanilang BBM- SARA Uniteam kasabay ng panawagan sa mga kaalyado na patuloy na manghikayat ng suporta mula sa iba pang mga partido.

Tinitiyak na ang panalo sa May 2022 National Elections ng tambalang BBM-SARA Uniteam. Halos ang dalawang ito ang siyang bibitbitin ng milyong-milyong Pilipinong  botante na umaasang magpapanumbalik sa pagsulong ng ekonomiya.

Sakaling magtagumpay ang BBM-SARA UNITEAM, sila ang mag-aangat at magpapanumbalik sa katiwasayan sa bansa na matagal nang lugmok sa kawalan simula nang agawin ng rehimeng Cory Aquino at iba pa ang pamahalaan.

Anomang puna o reklamo i-text sa 0918924764, 09266719269 o i-email sa [email protected] o [email protected].