Enchong pang-BFF lang, Erich?

Enchong pang-BFF lang, Erich?

June 18, 2018 @ 9:05 AM 4 years ago


Manila, Philippines – Nag-trending sa social media ang post ni Erich sa kaniyang Instagram ang sweet photos nila ng aktor na si Enchong Dee sa Paris na may caption na “Through thick and thin” na may hashtag na Bestfriends.

Sa kamakailan na interview, sinabi ni Erich Gonzales na ang kaniyang kaibigan at co-star na si Enchong ay naging malaking parte ng kaniyang buhay dahil ito ay kasama niya sa pagharap sa malalaking dagok ng kaniyang buhay. “I feel his genuine love and care,” sabi ng aktres.

Unang nagsama sina Enchong at Erich sa 2009 teleserye na “Katorse,” at muling magsasama ngayon sa isang dramaserye na “The Blood Sisters.” Ayon sa aktres malaking tulong sa kaniyang ginagampanang role ang makatrabaho ang isa sa kaniyang mga close friend.

Matatandaan na si Erich ay nagkaroon ng controversial break-up kay Brazilian-Japanese model-actor Daniel Matsunaga noong 2016.

Ang karansan na ito ng aktres ay sinabi niyang nagturo sa kaniya ng maraming bagay at hindi niya raw ito malalagpasan kundi dahil sa tulong at suporta ng kaniyang pamilya at good friends kagaya ni Enchong.

“With all the good things that’s happening in my life right now, I have no more time for anything negative, or anything that’s not worth getting stressed about,” sabi ng aktres.

Sagot naman ni Enchong, “I’ve always been a confidant to her. We’re part of a bigger group, and we all support each member. Yes, I was with her during that stage in her life when she was really down emotionally.”

Dagdag pa ng actor na ang pundasyon ng kanilang samahan ni Erich ay pagkakaibigan at sinabing, “We never fail to show each other that we care.”

Bilang co-actor naman ng aktres, sinabi ni Enchong sa ilang mga interview na si Erich ay isa ngayong napakagaling na aktres dahil na rin siguro sa kaniyang mga natutunan sa lahat ng kaniyang mga nakatrabaho simula noong nagsimula siya sa showbiz,dagdag pa niya, “she deserved the success and the attention.” (Remate News Team)