Erich, nagpagarahe na!

Erich, nagpagarahe na!

March 24, 2022 @ 1:39 PM 3 months ago


Manila, Philippines – Puwede nang i-address na Mrs. Erich Lorenzo ang aktres dahil ikinasal na siya sa kaniyang businessman-boyfriend na si Mateo Lorenzo.

Matatandaang nitong Miyerkoles, March 23, 2022, kumalat ang isang deleted Instagram story ng kaanak ng groom, na picture ng kasal ni Erich, na agad naman na-screenshot ng netizens.

Ginanap ang wedding ceremony sa Saint James the Great Parish Ayala, Alabang.

Si Mateo Lorenzo ay anak ng businessman na si Martin Lorenzo, na nagmamay-ari ng Pancake House at Yellow Cab Pizza restaurant chain.

Taong 2018, naging usap-usapan ang romantic relationship ni Erich at ng non-showbiz boyfriend nito kung saan magkasama umano silang lumipad papuntang Japan.

Isang private wedding ang naganap. Naging private din mula sa engagement hanggang sa mga wedding preparations. Naging maingat sa pagbabahagi ng detalye ang aktres sa social media.

Sa ngayon, patuloy na nag-aabang ang netizens sa official announcement ng Kapamilya actress sa panibagong chapter ng kanyang buhay. Ador Saluta