Erika Mae, bet maka-collab si Sarah G!

Erika Mae, bet maka-collab si Sarah G!

October 24, 2022 @ 10:56 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Ang isa sa mga wishes ng teenage recording artist na si Erika Mae Salas ay ang maka-collab ang kanyang idol na si Sarah G. ‘Yan ang isa sa mga hiling mg bagets online sensation sa kanyang 21st birthday last October 21.

“Na-kay Sarah G na po kasi ang lahat ng talents kaya gusto ko siya makasama sa isang project,” sabi ni Erika.

Ako Nga Ba ang title ng latest single ni Erika under Viva records. Pero nagre-ready na rin siya para sa kanyang bagong single na Byahe ng Puso Ko na malapit na ring ilabas.

FYI ay nasa 3rd year college na sa UST taking a degree in Conservatory of Music.

May kaunting hanash nga si Erika dahil ‘yunb prof niya ay ayaw na kumakanta siya ng pop.

“From pop to classical mga ako ngayon, medyo mahirap mag-switch ng voice pero nagagamay ko na rin,” sabi pa ni Erika.

Aminado rin si Erika na gusto niyang mag-compose ng kanta one day and sa course na Music Theory ay du’n siya kukuha ng basis on how to compose.

Nasa Mamasapano movie rin si Erika givong life to the role of a reporter.

“Sobrang saya ko nga na napasama sa MMFF 2022 ang movie namin na Mamasapano na sobrang iconic about sa tunay na nangyari sa isa sa mga controversial stories sa Philippines. Excited nga po ako. Saka first movie ko po ‘yun,” pahayag pa niya.

Naka-crossover na rin si Erika sa online dahil every Sunday ay may live show siya sa FB, ala-Gigi de Lana. Sane din sa TikTok. May live band din siyang backup.

And just like others ay hindi rin maiwasan ang mga nanggugulo sa comments section.

“May mga commenters ako na pinapakanta ako ng Arabic songs. Pero hinahayaan ko lang. Sometimes sa actual live view ko, umaabot naman sa 1K,” sabi ni Erika.

Tumatanggap din siya ng request pero kapag hindi la nila napa-practice ay utang muna. Moonriver ang most requested song sa kanya sa kanyang online show. JP Ignacio