Ernesto Perez itinalagang ARTA Director General

Ernesto Perez itinalagang ARTA Director General

November 15, 2022 @ 8:14 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines Itinalaga ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Ernesto V. Perez bilang bagong Director General ng Anti-Red Tape Authority (ARTA).

Pinalitan ni Perez  si  Atty. Jeremiah Belgica  na nagsilbi mula Hulyo  2019 hanggang Hunyo  2022.

“I thank President Bongbong Marcos for his trust and for Executive Secretary [Lucas] Bersamin’s guidance and support, as well as my colleagues in the Anti-Red Tape Authority (ARTA), who are doing the legwork to ensure effective and efficient government service delivery,” ayon kay  Perez matapos ang kanyang appointment.

Bago pa  maitalaga bilang Director General, si Perez ay ARTA Deputy Director General for Operations  simula  2019 at  kasabay ng pagiging Officer-in-Charge ng ahensiya simula Hunyo 2022.

Si Perez ay nauna nang itinalaga sa ARTA noong Disyembre 1, 2018,  nagsilbi bilang “first ever employee” ng ARTA.

Nagsilbi rin siya bilang Assistant Secretary ng  Department of Trade and Industry (DTI) – Consumer Protection Group mula Enero 6, 2017 hanggang Nobyembre 30, 2018. Kris Jose