Eroplano mula Taiwan, nag-overshoot sa Aklan

Eroplano mula Taiwan, nag-overshoot sa Aklan

March 14, 2019 @ 9:40 AM 3 years ago


Aklan – Nag-overshoot sa runway ng Kalibo International Airport sa Aklan ang isang eroplano na mula sa Taipei, Taiwan, kagabi.

Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines spokesperson Eric Apolonio, ang 122 pasahero na nakasakay sa eroplano na pinatatakbo ng Far Eastern Air ay ligtas namang nakarating sa terminal ng paliparan.

“Ang ating mga airport po kasi sa probinsya ay isa lang ang runway, so normally pagbaba ng aircraft iikot ‘yan patungo doon sa terminal building, nagkaroon ho ng tinatawag na soft spot, na-overextend ‘yung isang gulong dun sa grassy area, so for safety reasons hindi pwedeng pilitin dahil baka bumaon,” ani Apolonio.

Na-delay naman ang ilang mga flight at bumalik lamang sa normal ang operasyon ng paliparan dakong alas-7:30 ng gabi.

Patuloy nang nagsasagawa ng imbestigasyon sa insidente ngunit base sa inisyal na pagsusuri ay wala namang pinsala ang eroplano./Remate News Team