Eroplano ng Philippine Airlines nakaranas ng technical problem

Eroplano ng Philippine Airlines nakaranas ng technical problem

May 16, 2022 @ 8:02 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nakaranas ng technical problem ang eroplano ng Philippine Airlines (PAL).

Galing Maynila at papunta sana sa Dumaguete ang PR2543 matapos na pumasok ang usok sa cabin ng eroplano pagkatapos nitong mag-take off.

Dahil dito, napilitang bumalik ng Maynila ang eroplano para sa precautionary landing.

“All 82 passengers and 4 crew members (2 pilots and 2 cabin crew) are safe and were able to disembark using the aircraft’s stairs,” saad ni PAL spokesperson Cielo Villaluna.

Inayos na ang replacement flight para sa mga apektadong pasahero.

Ligtas naman silang nakarating ng Dumaguete matapos na makaalis dakong alas-4:16 ng hapon.

“We affirm that safety is our top priority and that Philippine Airlines is fully cooperating with the concerned airport and aviation authorities,” dagdag ni Villaluna. RNT/ JCM