Eroplano ng Saudi nabalahaw sa NAIA

Eroplano ng Saudi nabalahaw sa NAIA

June 21, 2022 @ 7:00 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nabalahaw ang isang eroplano ng Saudi Arabia sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Lunes.

Sa kabila ng insidente, ligtas namang naibaba ang 420 pasahero at crew ng Saudia Airlines flight SV-862.

Sinabi rin ng Manila International Airport Authority (MIAA) na nanatiling maayos ang operasyon ng apat na terminal ng NAIA kahit halos tatlong oras bago tuluyang naialis ang sumadsad na eroplano.

Dagdag pa ng MIAA na agad na rumesponde ang Manila International Airport Authority Fire and Rescue Division sa emergency call ng isang flight ng Saudia Airlines pagkatapos nitong lumapag sa runway 06-24 bandang 1:47PM.

Personal na tiningnan nina MIAA General Manager Eddie Monreal at CAAP Director General Capt. Jim Sydiongco ang site upang pangangasiwaan ang mga operasyon.

Pasado alas kwatro  ng hapon nang mai-posisiyon ang eroplano sa sementadong bahagi ng taxiway kung saan alas 5:32 na hapon naman na-tow o nahila papunta sa remote parking ang Saudia Airlines plane. Dave Baluyot