Eroplano sa Nepal, naantala dahil sa lasing na piloto

Eroplano sa Nepal, naantala dahil sa lasing na piloto

July 31, 2018 @ 11:29 AM 5 years ago


 

 

Nepal – Hindi nakalipad ang isang eroplano sa Nepal matapos matuklasan na lasing pala ang piloto nito, ayon sa opisyal ng paliparan kahapon (July 30).

Ayon sa kwento ng mga crew ng paliparan, napansin umano na lasing ang piloto, kalahating oras bago lumipad ag eroplanong papuntang Dubai noong umaga ng Linggo.

Dahil dito, isang medical test ang isinagawa at natuklasan ngang lasing ang nasabing piloto, ayon kay Tribhuvan International Airport general manager Raj Kumar Chettri.

Halos sampung oras naantala ang nasa 154 na pasahero ngunit kalaunan din ay nakalipad din kasama ang ibang crew.

Hindi na naman nagbigay ng iba pang detalye ang paliparan tungkol sa nangyaring insidente. Remate News Team