Eroplano sa Tanzania bumulusok sa lawa!

Eroplano sa Tanzania bumulusok sa lawa!

November 7, 2022 @ 8:52 AM 3 weeks ago


DAR ES SALAAM, Tanzania- Dumiretso ang eroplano na may 43 pasahero sa Lake Victoria sa Tanzania nitong Linggo dahil sa masamang panahon bago ito lumapag sa northwestern city ng Bukoba, ayon sa mga pulis.

“There was an accident involving a Precision Air plane which… crashed into water about 100 meters from the airport,” ani regional police commander William Mwampaghale sa mga mamamahayag sa Bukoba airport.

Inilahad ni Regional commissioner Albert Chalamila na 43 indibidwal, kabilang ang 39 pasahero, dalawang piloto at dalawang cabin crew, ang sakay sa flight mula sa financial capital Dar es Salaam patungo sa lakeside city sa Kagera region.

“As we speak, we have managed to rescue 26 people who were taken to our referral hospital,” pahayag ni Chalamila.

“The rescue operation is still ongoing and we are communicating with the pilots,” aniya pa.

Nagpalabas naman ang Precision Air, pinakamalaking private airline sa Tanzania, ng maikling pahayag ukol sa insidente.

“The rescue team has been dispatched to the scene and more information will be released in 2 hours’ time,” anito.

Batay sa video footage na ipinalabas sa local media, lubog ang eroplano habang patuloy ang operasyon ng mga rescuer upang sagipin ang mga sakay nito.

Sinubukan pa ng emergency workers na iangat ang aircraft gamit ang lubid, sa tulong ng cranes.

Inihayag naman ni President Samia Suluhu Hassan ang pakikiramay sa mga apektado sa insidente.

“Let’s continue to be calm while the rescue operation continues as we pray to God to help us,” saad sa kanyang tweet. RNT/SA