Eroplano tumigil sa NAIA runway – MIAA

Eroplano tumigil sa NAIA runway – MIAA

January 17, 2023 @ 2:24 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Tumigil ang eroplano nitong Lunes ng umaga sa runway ng Ninoy Aquino International Airport, ayon sa Manila International Airport Authority. 

Inihayag ng MIAA na tumigil ang King Aircraft aircraft sa Runway 13/31 dakong alas-10:05 ng umaga.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng MIAA Rescue and Firefighting Division, Airport Grounds Operation and Safety Division, Medical Team and Airport Security, at mga imbestigador ng Civil Aviation Authority of the Philippines sa nasabing insidente.

Ligtas naman ang pitong apsahero at dalawang crew members ng eroplano.

Naialis naman ang eroplano sa runway kaninang alas-10:43 ng umaga, base sa MIAA.

Muling binuksang ang runway bandang alas-10:48 ng umaga matapos magsagawa ng clearing operations.

“No flights were affected during the emergency situation,” ayon sa MIAA. RNT/SA