Error Watch, mga reklamo sa DepEd learning modules tutugunan

Error Watch, mga reklamo sa DepEd learning modules tutugunan

October 26, 2020 @ 1:22 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines — Itinakda na ng Department of Education (DepEd) ang isang monitoring program na aagapay sa mga mali sa learning modules sa Davao region.

Ayon kay Jenelito Atillo, spokesperson ng DepEd sa naturang rehiyon, naglagay na ang ahensya ng hotline para sa mga magulang at iba pang isyu na may kinalaman sa module.

“Error Watch is a solution the DepEd has provided to respond immediately to module errors. We continue to listen to all complaints but only the valid ones,” saad ni Atillo.

Hindi aniya lahat ng module ay galing sa kanilang departamento.

Dagdag pa ng tagapagsalita, hindi na dapat itong ibahagi sa social media dahil nag-uudyok ito upang ma-bash ang mga guro.

 “[The teachers] are already flexible. Many have already gotten over the negative public reactions,” punto pa nito.

“They (teachers) are doing their best to continuously provide the needed education to the pupils; and so with the DepEd, who is moving heaven and earth to reach out to the pupils despite this difficult situation of pandemic.” RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...